P180-B, posibleng napunta sa mga ghost flood control projects —Sen. Ping Lacson

Hinihinalang nasa ₱180 billion ang malamang sa malamang napunta sa mga guni-guni o mga ghost flood control projects mula pa noong 2016.

Ito ang pahayag ni Senate President pro-tempore Ping Lacson sa kanilang ginawang pagtaya ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian matapos lumitaw na higit kumulang 600 ang natukoy na ghost flood control projects mula sa ininspeksyon na humigit-kumulang 10,000 proyekto.

Giit ni Lacson, sa ₱180 billion na nawala para lang sa ghost flood control projects, hindi pa kasama rito ang mga substandard projects.

Kaya naman ang inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ay maliit lamang kumpara sa kabuuang bilang ng mga posibleng ghost flood projects.

Ang ibinalik din aniya na ₱110 million ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer Henry Alcantara ay katiting lamang kahit pa ibalik din nito ang karagdagang ₱200 million sa mga darating na linggo.

Dagdag pa ni Lacson, handa naman ang Blue Ribbon Committee na tumulong sa Independent Commission for Infrastructure (ICI), Department of Justice (DOJ) at sa Office of the Ombudsman kaugnay sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nasasangkot sakaling makatanggap sila ng mga bagong impormasyon.

Facebook Comments