P180 bilyon, nawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa ECQ

Aabot sa P180 billion ang nawala sa ekonomiya ng bansa bunsod ng pagsasara ng maraming negosyo dahil sa ipinatupad na dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, katumbas ito ng 1% ng P18 trilyong Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

Sumasalamin din aniya ito sa 1.5 milyong manggagawang nawalan ng trabaho sa loob ng dalawang linggong ECQ.


Pero ngayong nasa MECQ na ang NCR Plus, nasa 500,000 manggagawa na ang nakabalik sa kani-kanilang mga trabaho.

Facebook Comments