Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang People’s Television Network Inc. (PTV) dahil sa kakulangan ng mga dokumentong kinakailangan para sa P189.78 million na sweldo ng kanilang mga empleyado.
Batay sa COA report, kulang ang mga dokumentong ipinasa ng state media network para sa sweldo ng kanilang mga empleyado tulad na lamang ng Daily Time Records (DTRs) na may pirma.
Bukod dito, natuklasan din ng COA na pinayagan ng PTV ang pagbibigay ng P8.08 million na rice subsidies at educational assistance sa kanilang mga opisyal at empleyado noong 2020 na hindi dumaan at inaprubahan ng Office of the President (OP) na maituturing na paglabag sa batas.
Kinukwestyon din ng komisyon ang P7.415 million na unliquidated cash advances para sa travel at iba pang expenses ng state media network.