P19.9 billion pondo na hindi nagamit ng DSWD, kinuwestiyon ng isang kongresista

Kinuwestiyon ni Marikina City Representative Stella Quimbo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa hindi nagastos na P19.9 billion pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Sa ginanap na pagdinig kahapon kaugnay sa pondo ng DSWD na nakapaloob sa panukalang 2022 budget, sinabi ni DSWD Director of Financial Management Service Wayne Belizar na 37% lamang ng pondo sa 2021 appropriations ang nasunod.

Habang pagbubunyag pa ni Atty. Kat Ongoco, isa sa mga director sa DSWD na may natitira pa silang P1.9 billion mula sa pondo noong 2020 at P18 billion mula naman sa 2021 funds.


Giit ni Quimbo, salungat ang pondo sa sinabi ng mga economic manager na walang sapat na pondo para sa Bayanihan 3.

Sa ngayon, mungkahi ni Quimbo sa DSWD na idagdag na lang ang natitirang pondo sa mga benepisyaryo ng AICS.

Facebook Comments