
Posible umanong ipa-bidding sa mga bagong contractor ang P2.4-B National Bureau of Investigation (NBI) building contract sa Maynila na unang hinawakan ng kontratistang Discaya.
Ayon sa NBI, ni-revoke na rin kasi ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) ang lisensya ng Discaya-owned construction firms.
Ani Santiago, natapos na ang phase 1 ng proyekto, saklaw ang demolisyon at pagtatayo ng mga pundasyon kaya hindi na rin aniya babawiin sa mga Discaya ang mahigit P200M ibinayad nila para sa phase 1 ng building.
Hinihintay na lang din aniya ng bureau ang magiging kumpas sa kanila ni Public Works Sec. Vince Dizon.
Pinasisilip na ng NBI Director sa mga engineer kung tama ang pagbabaon sa mga pundasyon ng gusali at nilinaw na hindi indikasyon ang ikinasa niyang imbestigasyon na may anomalya sa proyekto.
Nais ni Santiago na matapos sa 2028 ang kontruksyon ng gusaling sinimulan noon pang 2022 o 2023 bago pa man pamunuan ang kagawaran.









