P2.4-M FINANCIAL ASSISTANCE, IBINAHAGI SA MGA TOBACCO FARMERS

CAUAYAN CITY – Namahagi ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa 122 tobacco farmers sa bayan ng San Mariano at Benito Soliven kung saan ay umabot ito sa halagang P2.4-M.

Ang makukuhang pinansyal ng mga magsasaka ay nakadepende sa sukat ng kanilang sakahan at dami ng kanilang produksyon.

P25,000 ang matatanggap ng isang magsasaka kada hektarya habang P5 per kilo naman sa produksyon.


Samatala, ipinahayag ni Governor Rodito Albano III ang kanyang planong pagbili ng isang makinarya sa bansang Europe na siyang gagamitin sa paggawa ng mga fortified rice.

Ang planong ito ni Gov. Albano ay upang mabigyang solusyon ang micronutrient deficiency na nararanasan sa buong lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments