P2.4-M halaga ng pananim na marijuana, sinira ng PDEA sa Kibungan, Benguet

Aabot sa P2.4 million ang halaga ng mga tanim na marijuana ang pinagbubunot at sinira ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office at iba pang operatiba sa Kibungan, Benguet.

Nauna rito, nitong Martes nang salakayin ng PDEA at iba pang mga law enforcement unit ang taniman ng marijuana sa Sitio Lebeng, Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet.

Ayon kay PDEA La Union Provincial Office Head Dexter Asayco, tinatayang nasa humigit kumulang 12,000 piraso ng fully grown marijuana na nakatanim sa tinatayang 1,500 square meters ang kanilang nasamsam at winasak sa loob ng dalawang araw.


Aniya, ang pagkakatuklas sa marijuana plantation ay bahagi ng kanilang “Oplan Green Buds” .

Hindi naman nabanggit ng opisyal kung may naaresto ang mga operatiba sa nasabing operation.

Facebook Comments