P2.4 MILYON NAIPAMAHAGI SA MGA ESTUDYANTE NG SAN ISIDRO

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga mag-aaral ng bayan ng San Isidro sa Probinsya ng Isabela.

Ang nasabing distribusyon ay pinangunahan ni Isabela 6th District Cong. Faustino “Inno” Dy, na kung saan umaabot sa P2.4 milyon ang kabuuang halaga ng naipamahagi.

Umabot naman sa 818 na college students mula sa naturang bayan ang nakinabang sa nasabing programa sa ilalim ng Educational Assistance katuwang ang DSWD-SWAD Isabela.


Nangako naman si Cong. Dy na magpapatuloy pa ang mga ganitong pamamahagi upang matulungan ang mga mag-aaral na Isabeleño na makapagtapos sa kanilang mga pag-aaral.

Facebook Comments