Kinumpirma ni Makati Mayor Abby Binay na inaprubahan na ng Sangguniang Panglungsod ng Makati ang P2.5 billion stimulus fund.
Aniya, ito ay gagamitin bilang tulong pinansyal sa mga negosyante ng lungsod na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sa pamamagitan aniya ng Makati Assistance and Support for Businesses (MASB), ang Makati-based businesses ay maaaring mabigyan mula P10,000 hanggang P100,000 upang gamitin pampasweldo sa kanilang mga empleyado at pambayad sa kanilang mga supplier.
Maaari aniya na hindi ipabalik ang halagang naibigay kung ang isang negosyante ay magpapatuloy ng kanilang operasyon sa susunod na dalawang taon, hindi sila magtatanggal ng mga manggagawang taga-Makati at susunod sa ordinances and safety guidelines ng lungsod.
Layunin nito ay upang maibalik ang sigla ng ekonomiya ng lungsod at magpatuloy na may hanapbuhay ang mga taga-Makati sa gitna ng pandemya.