P2.5 bilyong halaga ng shabu nakumpiska ng PNP sa General Trias, Cavite

Mahigit P2.5 billion na halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng Philippine National Police sa isang subdivision sa Barangay Navarro, General Trias, Cavite.

Sa ulat ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, alas 8:30 kagabi nang ikasa ang buy-bust operation kung saan nasabat ang nasa 374 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,543,200,000.

Nakuha rin sa operasyon ang P1 million boodle money at dalawang P1,000 na buy-bust money.


Nadakip sa buy-bust ang suspek na Si Muad Romorus Abedin Mangotara na taga-Imus, Cavite.

Facebook Comments