P2.5-M halaga ng iligal na paputok, nasabat ng PNP

Patuloy ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga ipinagbabawal na paputok.

Kasunod nito, umaabot na sa mahigit 500,000 na piraso ng iligal na paputok ang nakumpiska ng PNP sa buong bansa batay na rin sa PNP Ligtas Paskuhan Monitoring.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Brigadier General Jean Fajardo, tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P2.5-M ang mga nakumpiskang paputok na nagresulta sa pagkaka-aresto ng 34 na indibidwal.

Nasa 172 naman ang naitalang nasugatan dahil sa paputok.

Samantala, nakapagtala rin ng PNP ng 18 insidente ng indiscriminate discharge of firearms kung saan 13 indibidwal ang naaresto, at apat naman ang naitalang tinamaan ng ligaw na bala.

Kasunod nito, inatasan na ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang mga pulis na tiyaking ligtas at mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Mahigpit ding pinaalalahanan ang mga pulis na huwag gamitin ang kanilang service firearms sa anumang selebrasyon.

Facebook Comments