
Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang abot sa P2.5-M na halaga ng marijuana brics sa isang buy-bust operation sa Burnham-Legarda, Baguio City.
Nagresulta naman ito sa pagkaka-aresto ng dalawang notoryus na drug personalities.
Ayon kay Regional Director Derrick Arnold Carreon, isang 43-year-old na lalaki mula sa Bakun, Benguet at isang 52-year-old na lalaki mula Cabanatuan, Nueva Ecija ang nakipag-transaksyon sa kanilang ahente PDEA-Cordillera Administrative Region (CAR) Baguio.
At nang magpositibo ang operasyon, dito na agad na dinamba ng mga PDEA agent ang dalawa.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang 21 kilo ng dried marijuana bricks.
Nasa kustodiya na ng PDEA-Cordillera ang dalawa at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga ito.








