Nakahanda na ang P2.7 billion pondo bilang ayudang ibibigay sa Laguna at Bataan na isinasailalim sa Enhanced Community Quaratine (ECQ).
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Assistant Secretary Rolly Toledo, hinihintay na lamang nila na aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalabas ng ayuda para sa mga residente ng nasabing lalawigan.
Sa nasabing halaga, mapupunta ang P2 bilyon sa Laguna at P700 milyon sa Bataan.
Iiral ang ECQ sa Laguna hanggang sa Agosto 15 habang hanggang 22 sa Bataan.
Samantala, nailabas na ang P10.89 bilyon para sa ayuda ng mga taga-Metro Manila nitong Biyernes.
Facebook Comments