P2.7-M halaga ng shabu, nasamsam mula sa mag-ina sa buy-bust operation sa Bataan

Arestado ang mag-ina sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cataning, Hermosa, Bataan kung saan nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.7 milyon.

Bukod sa ilegal na droga, nakuha rin sa mga suspek ang isang .38 kalibreng baril na may mga bala, electronic weighing scale, cellphone, lighter, at P4,000 marked money na ginamit sa transaksyon.

Ang mga suspek ay mga residente ng Orani at sinasabing nagmula sa Marawi City.

Kasama na ngayon sa kustodiya ng pulisya ang mag-ina at haharap sa mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at ilegal na pagmamay-ari ng baril.

Facebook Comments