P2.7 milyong halaga ng pananim na marijuana, sinira ng PDEA sa Benguet

Abot sa P2.7 milyon na pananim na marijuana ang sinira ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Police Regional Office Cordillera sa iba’t ibang marijuana plantations sa Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.

Simula March 21 hanggang 24 inakyat ng anti-narcotics operatives ang bulubunduking bahagi ng Kibungan kung saan natagpuan ang mga plantasyon na may tanim na 6,780 marijuana plants at nakumpiska ang mga libu-libong buto nito.

Ayon sa PDEA, ang pagka-diskubre ng mga marijuana plantation ay patunay na nananatiling hotspot ng marijuana planters ang Kibungan.


Pagpapaliwanagin ang mga Barangay Chairman kung bakit namamayagpag ang marijuana plantations sa kanilang area of responsibility.

Noong nakaraang buwan ng Enero, sinira ng PDEA ang abot sa 25,000 marijuana plants at dried marijuana leaves sa pitong lugar sa Barangay Tacadang.

Facebook Comments