P2.7B ‘undistributed’ medicines, naipamahagi na ng DOH sa mga ospital

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na naipamahagi na ang nasa P2.7 bilyong halaga ng undistributed medical supplies sa mga ospital sa bansa.

Ito ay matapos sitahin ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang overstocking sa expired at near-expiration medicines na nagkakahalaga ng P2.7 billion kasama ang P2.2 billion pesos noong taong 2019.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ginagamit na ngayon ng mga pasyente ang mga supply na binili ng pamahalaan sa Pharmally at iba pang bansa.


Aniya, naisinumite na nila sa Senado ang kanilang paglilinaw ukol dito at naipatupad na rin ang rekomendasyon ng Commission on Audit (COA).

Facebook Comments