Nakakumpiska ang pinagsanib na puwersa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) ng karagdagang 14,000 kilos ng smuggled frozen agricultural goods na nagkakahalaga ng P2.8 milyon sa isang operasyon sa Meycauayan, Bulacan.
Nadiskubre ito sa isinagawang follow-up joint inspection ng DA, BOC, National Meat Inspection Service (NMIS) at iba pang law enforcement agencies sa isang warehouse na umano’y nag-o-operate nang walang business permit.
Dalawang makeshift cold storage container ang nakita na naglalaman ng iba’t ibang frozen meat at dalawang sasakyang may expired na meat products ang natuklasan sa bodega.
Walong katao ang arestado ng pulisya.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10611 o Food Safety Act of 2013.
Una nang nakakumpiska ng abot sa 175,000 kilos na imported meat products ang DA sa Meycauayan noong Hulyo 11 na nagkakahalaga ng P35-M.