Manila, Philippines – Dalawang dating opisyal ng Department of Agriculture sa region 1 ang nahaharap ngayon kasong graft dahil sa maanomalyang pagbili ng 2.9 million pesos na halaga ng fertilizer noong 2004.
Tatlong bilang ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang isinampa laban kina former Regional Executive Director Renerio Belarmino at former Regional Technical Director Flora Gagni.
Kinasuhan din ng Ombudsman sina accountant Avelina Soriano at mga miyembro ng bids and awards committee na sina Francisco Casil, Lourdes Gonzales, Marible Cabradilla at Jonathan Bugaoan.
Private respondents naman sa kaso sina Central Luzon Farmers Agro Center (CLFAC) proprietor Cristiona Pangilinan at may-ari ng Bals enterprises na si Jonar Balisi.
Napag-alamang hindi dumaan sa public bidding ang pagbibigay ng kontrata nina Belarmino at Gagni sa mga kumpanyang binilhan ng mga pataba.
Nagrekomenda naman ang Ombudsman ng piyansang P90,000 para sa mga dating public officials at P30,000 para sa mga private respondent.