Dismayado ang samahan ng mga restaurant sa Pilipinas sa biglaang pagbabago ng desisyon ng gobyerno sa pagpapatupad ng quarantine restrictions.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni RestoPH President Eric Teng na malaking gastos sa paghahanda ng mga food business ang nasasayang dahil sa pabago-bagong desisyon ng pamahalaan.
Aniya, umaabot sa dalawa hanggang apat na bilyon kada dalawang linggo ang kitang nawawala sa mga restaurant na hindi nakakapag-operate dahil sa lockdown.
Ayon kay Teng, suportado naman nila ang pagkakaroon ng quarantine restrictions bilang pag-iingat sa banta ng Delta variant pero hiling nila na mabigyan sila ng panahon para makapaghanda.
Ikinadismaya rin ng grupo ang kawalan ng aksyon ng pamahalan para tulungan silang makabangon mula sa epekto ng lockdown.