Ipinagtanggol ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang P2.037 billion budget na hirit ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.
Ayon kay Escudero, hindi naman malaki ang naturang pondo at ang budget aniya ay dapat angkop sa OVP kahit sino pa ang nakaupo.
Iginiit din ng senador na masyadong maliit ang 500-million pesos na budget noon ni dating Vice President Leni Robredo.
Hindi rin aniya ito sapat sa budget ng kasalukuyang vice president.
Ang proposed budget ng OVP para sa 2025 ay pasado na sa deliberasyon ng Senate Committe on Finance pero nilinaw ni Escudero na dadaan pa ito sa pag-apruba ng Kamara.
Facebook Comments