P2-B, pinapalaan ng liderato ng Kamara para sa retailers na apektado ng price ceiling sa bigas

Inatasan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Committee on Appropriations na maglaan ng P2 bilyong pondo para itulong sa rice retailers na maaapektuhan ng price ceiling sa bigas na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay nito ay nagbigay ng direktiba si Romualdez kay Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, na siyang chairman ng komite, na agad makipag-ugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) para mapabilis ang paglalaan sa naturang ayuda.

Bilang pagtalima ay agad namang isinagawa ni Representative Co ang pakikipag-ugnayan sa DBM para agad matukoy ang maaaring pagkunan ng 2-bilyong alokasyon.


Ang nabanggit na hakbang ay tugon ni Romualdez sa daing ng retailers na ang price ceiling sa bigas ay magdudulot ng pagkalugi sa kanilang hanay.

Ito ay dahil nabili na nila ang kanilang mga bigas sa halagang P50 kada kilo, kaya imposible silang makasunod sa price ceiling na P41.00 sa kada kilo para sa regular milled rice at P45.00 kada kilo ng well-milled rice.

Facebook Comments