P2-B relief assistance sa mga biktima ng Bagyong Odette, tiniyak ng gobyerno

Tiniyak ng gobyerno na maglalaan ito ng P2 bilyong halaga ng relief assistance para sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.

Ito ang sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa kabila ng naging pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na ubos na ang pondo ng pamahalaan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Nograles, binanggit na ito ng pangulo nang makipagpulong siya kahapon sa mga gobernador ng mga probinsyang sinalanta ng bagyo.


Matatandaang kahapon ay nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Duterte sa Siargao, Surigao City, Dinagat Islands at Maasin City sa Southern Leyte habang sunod niyang bibisitahin ngayong araw ang Bohol at Cebu.

Dagdag pa ni Nograles, may naka-preposition na rin ng mga family food packs at non-food items na nagkakahalaga ng P1 billion.

Sa ngayon, nasa 74,680 pamilya pa ang nananatili sa evacuation centers.

Facebook Comments