P2 bilyon, naipaabot na tulong ng DOLE sa mga manggagawang naapektuhan ng kalamidad sa Luzon

Nakapamahagi na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng halos ₱2 billion na halaga ng tulong sa mga manggagawang nasalanta ng kalamidad sa Luzon.

Ayon sa DOLE, nasa ₱312 million ang inilaan para sa kwalipikadong manggagawa sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) at ₱307 million para sa informal sector workers sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Region 2.

Nagbigay din ang kagawaran ng 100 fiberglass boats sa mga mangingisda sa Cagayan na nagkakahalaga ng ₱10 million.


Sa CALABARZON, aabot sa ₱14 million ang inilaan para sa 3,000 informal sector workers habang ₱190 million para sa higit 34,000 affected workers sa MIMAROPA.

Aabot sa ₱500 million ang ipinamahagi sa 74,000 workers sa Bicol Region.

Ang CAMP ay one-time financial assistance at nagsisilbing safety net sa mga formal sector workers habang ang TUPAD ay short-term emergency employment program para sa informal economy.

Facebook Comments