P2-M Cash Reward, Ibinigay ni Gen. Sobejana sa 86th Infantry Battalion

Cauayan City, Isabela- Binigyan ng cash reward ang commanding officer ng 86th Infantry Battalion na si LtCol. Ali Alejo matapos ang matagumpay na operasyon ng mapatay ang kilalang commander ng New People’s Army (NPA) sa rehiyon dos na si alyas “Ka Yuni”.

Personal na iniabot ang reward money ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana matapos bisitahin ang kasundaluhan ng 5th Infantry Division sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Matatandaan na nasawi sa engkwentro ng kasundaluhan at rebeldeng grupo si “Ka Yuni” sa bayan ng San Guillermo nitong Marso 15 taong kasalukuyan.


Samantala, iginiit naman ng heneral na ang sitwasyon ngayon sa paglaban ng pamahalaan sa insurhensiya ay tiyak na matatapos o mababawasan ang lakas ng rebeldeng grupo at hindi na rin makapaminsala pa sa bansa.

Katuwang rin ng kasundaluhan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagtugon ng kaukulang hakbang upang matigil ang karahasan.

Ayon pa kay Gen. Sobejana, malaki ang ambag ng mamamayan sa kanilang suporta upang magkaroon ng kapayapaan ang bawat isa.

Ang P2 milyong pisong reward money ay ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos mapatay sa engkwentro ang NPA commander at magbigay ito ng inspirasyon sa iba para tuloy-tuloy ang kanilang gampanin sa tungkulin.

Facebook Comments