P2-M pabuya ni PRRD sa makapagtuturo sa mga matataas na lider ng NPA, ipinagpasalamat ng AFP

Isang magandang balita para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay sya ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng matataas na lider ng New Peoples Army (NPA).

Ginawa ng Pangulo ang anunsyo matapos ang pagkadismaya sa NPA dahil sa patuloy na pag-atake sa tropa ng pamahalaan sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Filemon Santos Jr.,  ang ibibigay na pabuyang dalawang milyong ay dagdag sa kasalukuyang AFP reward system.


Ito aniya, makakahikayat nang mas maraming informants para matukoy ang kinaroroonan ng mga matataas na lider ng NPA.

Tiniyak naman ni Santos, mabibigyan ng sapat na proteksyon ang sinumang informants.

Naniniwala rin si Santos na pagtatapos ng termino ng Pangulong Duterte ay matatapos na rin ang armed conflict sa pagitan ng New Peoples Army.

Facebook Comments