Cauayan City, Isabela-Narekober ng mga otoridad ang isa pang plantasyon ng marijuana bandang 4:30 ngayong hapon sa Sitio Binongsay, Malin-awa, Tabuk City, Kalinga.
Batay sa ulat, dalawang (2) marijuana plantation ang pinagsisira ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng PIB/DEU, Tabuk CPS, Tinglayan MPS, 1st KPMFC, RDEU PROCOR, RID PRO COR, CIDG Kalinga, RIU14, at PDEA Kalinga pinangunahan ni PLTCOL RADINO S BELLY, COP, sa pamumuno ni PCOL DAVY VICENTE LIMMONG, Provincial Director sa pakikipagtulungan ng PDEA Cordillera.
Ang nasabing operasyon ay nagresulta ng pagsira ng nasabing plantasyon na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P2 milyong piso na may 10,700 fully grown plants at sinira habang nakatanim sa lawak na 900 square meters.
Pinuri naman ni PCol. Limmong ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon laban sa kampanya ng iligal na droga.