P2-PER-MINUTE CHARGE | Hype – pinagpapaliwanag ng LTFRB

Pinagpapaliwanag ng LTFRB ang Transport Network Company na Hype hinggil sa paniningil nito ng P2-per-minute charges.

Wala kasing alam ang ahensya sa P2-per-minute charge na ginagawa ng Hype bukod pa sa singil nitong P40 na flagdown rate at P14 per kilometer charge.

Sa show cause order na ini-isyu noong July 13, binigyan ng limang araw ng LTFRB ang Hype para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat suspendihin o kanselahin dahil sa paniningil ng nasabing additional charges.


Kailangan din umanong dumalo ng Hype sa hearing sa Martes, July 24, sa headquarters ng LTFRB sa Quezon City.
April 18, 2018 nang bigyan ng akreditasyon ng LTFRB ang Hype bilang transport network company.

Facebook Comments