Manila, Philippines – Naglabas ng fare-subsidy scheme ang Grab Philippines para sa TNVS drivers na apektado ng suspensyon ng kanilang P2 per minute charge.
Ayon kay Brian Cu, Grab Philippines Country Head – base sa kanilang computation, kailangang kumita ng P330 kada oras ang isang TNVS driver para matugunan ang pangangailan ng kanyang pamilya at mabawi ang lugi dahil sa traffic at mataas na gastusin sa gasolina at maintenance.
Simula aniya nang suspendihin ang P2 per minute charge, nakatanggap na sila ng mga reklamo na hindi na sapat ang kanilang kinikita.
Sa ilalim ng fare-subsudy scheme… halimbawa, umabot sa isang oras ang biyahe mula makati hanggang bgc dahil sa matinding traffic, P120 pa rin ang magiging singil sa pasahe.
Habang ang kakulangang P210 para mabuo ang P330 na dapat na kita para sa one-hour trip at ibabalik ng Grab sa driver.
Pero paglilinaw ng Grab, ang mga isang oras na biyahe na may lamang pasahero lang ang makakakuha ng subsidiya.