
Naaresto ng mga operatiba ng Camarines Norte Police Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang 3 high-value individuals sa isinagawang buy-bust operation sa Daet, Camarines Norte.
Nakumpiska sa mga nasabing suspek ang tinatayang 3 kilo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na ₱20.4 milyon.
Narekober din sa kanila ang ang 669 pirasong pekeng ₱1,000 bills na boodle money na ginamit sa operasyon at markadong buy-bust money.
Ayon kay Camarines Norte Police Provincial Office Acting Provincial Director Police Col. Paul Florendo Abay, ang mga nakumpiskang malalaking halaga ng droga ay indikasyon na malaki rin operasyon ng nasabing grupo na ngayon ay napigilan ng mga kapulisan.
Sa ngayon ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive and Dangerous Drugs Act of 2002.









