P20 BIGAS, LUMAPAG NA SA EASTERN PANGASINAN

Available na sa San Nicolas ang P20 na kada kilo ng bigas matapos simulan ang pagbebenta kahapon.
Nabigyan ng pagkakataon ang mga senior citizens, solo parents, Persons with Disabilities at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Tulad nang naunang rollout, hanggang sampung kilo lamang ang maaaring bilhin ng isang benepisyaryo.
Sa kabuuan, nasa 6,495 kilos ang ng bigas ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Paalala ng lokal na pamahalaan, magdala ng valid ID upang makakuha ng sampung kilo ng bigas na mabibili ng P20 kada kilo.
Iginiit naman na paunahan ang sistema upang makakuha ng bigas hanggang may stock na maaaring bilhin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments