Makakabili na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga warehouse ng National Food Authority Region 1 upang mas ilapit ang suporta ng gobyerno sa kanilang pangangailangan.
Sa ilalim nito, bukas ang mga warehouse sa Ilocos Norte para sa mga residente sa Abra at Ilocos Sur; warehouse sa La Union para na rin sa mga benepisyaryo sa Baguio City; at Eastern Pangasinan sa bayan ng Rosales, para sa mga kwalipikadong benepisyaryo tulad ng senior citizens, solo parents, persons with disabilities (PWDs), 4Ps beneficiaries, magsasaka, mangingisda, jeepney drivers, at mga miyembro ng TODA.
Pinapaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga alituntunin sa pagbili upang matiyak na mararating ang tulong sa mas maraming tao, kabilang ang pagdadala ng ID upang matukoy saang kabilang sektor at pagdadala ng sariling lalagyan para sa bibilhing bigas.
Ang programang Benteng Bigas, ay isang konkretong hakbang upang mapagaan ang gastusin at matulungan ang mga pamilyang nangangailangan sa rehiyon, lalo na sa mga sektor na pinaka apektado ng pagtaas ng presyo ng bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










