P20 BIGAS SA NAGUILIAN, LA UNION, UNANG IPAPAMAHAGI SA VULNERABLE SECTOR

Lalapag na sa pamilihang bayan ng Naguilian, La Union ang P20 na kada kilo ng bigas sa ilalim ng Benteng Bigas Meron Na Program ng gobyerno.

Una itong ipapamahagi sa mga senior citizen, Solo Parents, mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Persons with Disabilities.

Kinakailangan na ipresenta ng mga benepisyaryo ang kanilang valid ID bago mabigyan ng suplay ng bigas.

Samantala, tampok din sa pamamahagi ang mga mura at sariwang lokal na pangunahing produktong gulay, prutas at iba pa na maaaring pagpipilian ng mga residente bilang suporta sa mga kababayang manlalako.

Kamakailan, unang ipinamahagi ng suplay ng P20 bigas sa mga minimum wage earners sa La Union bilang kauna-unahang benepisyaryo ng programa sa buong Ilocos Region.

Inaasahan naman na magtutuloy-tuloy na ang rollout ng programa sa iba pang lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments