P20 billion, inirekomenda na pondo para sa COVID-19 vaccines sa 2021

Inirekomenda ni AnaKalusugan Partylist Representative Mike Defensor na maglaan ang Kongreso ng kahit P20 billion para sa bakuna laban sa COVID-19 sa susunod na taon.

Ayon kay Defensor, kung layon ng gobyerno na mabakunahan ang inisyal na 20 milyong mahihirap na Pilipino sa 2021 ay dapat na mag-allocate ng ‘at least’ 20-bilyong piso.

Ibig sabihin P1,000 halaga ng bakuna ang ilalaan sa bawat mahihirap sa bansa.


Pero ayon sa mga health professional, mangangailangan ang kada indibidwal ng tatlong doses ng bakuna para labanan ang impeksyon.

Mas maganda aniya kung makakakuha ang bansa ng mas mababa sa P500 na halaga ng bakuna mula sa mga mayayamang bansa at drug companies na nagdedevelop ng COVID-19 vaccine.

Tinukoy ni Defensor na ang P2.5 billion na proposed budget para sa COVID-19 vaccines sa ilalim ng 2021 national budget ay napakaliit na halaga lamang para sa target na 20 milyong mahihirap na Pilipino na babakunahan.

Facebook Comments