P20-K sofa na na-order ng 2-anyos, irerefund ng online shopping site

89

Mabilis na nagbigay ng refund ang online shopping site na Amazon sa isang nanay sa California na muntik muntik nang mapagastos nang lagpas sa budget.

Nakapag-purchase kasi ang 2-anyos niyang anak ng sofa na nagkakahalagang $400 o nasa P20,000.


Ayon sa ina na si Isabella McNeil, plano niya talaga bumili ng bagong sofa kaya’t nagb-browse na siya sa Amazon, pero hindi pa aniya siya nakakapili.

Ending, ang anak niyang si Reyna na ang pumili para sa kaniya nang mapindot nito ang “1-Click” purchase feature ng Amazon app.

Napagtanto lang ng ina ang nangyari nang makatanggap siya ng shipping notification ilang araw makalipas–huli na para i-cancel pa ang order.

Sa kabutihan palad ay nagbigay naman ng full refund ang Amazon at dinisable na rin ang 1-Click purchase feature sa kaniyang account nang hindi na maulit kung sakaling gumamit ulit ng cellphone ang anak.




Facebook Comments