
Pinalawak pa ng pamahalaan ang bentahan ng P20 per kilo ng bigas sa mga public market o mga palengke.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, alinsunod ito sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na palawakan pa ang P20 rice program ng administrasyon para magkaroon ng sapat na pagkain ang mga Pilipino.
Ngayong araw ay sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang paglulunsad ng Bente Bigas Meron Na program sa Zapote Public Market sa Bacoor Cavite.
Maaaring mabili ang murang bigas ng mga benepisyaryo ng 4Ps, senior citizens, persons with disabilities (PWD), at single parents.
Kada indibidwal ay pwedeng makabili ng maximum na sampung kilo ng bigas.
Kasunod nito ay inatasan din ni Pangulong Marcos ang mga kaukulang ahensya na palawigin pa ang coverage ng programa.
Maglalabas din ang Department of Social Welfare and Develoment ng listahan ng mga makikinabang sa rollout ng murang bigas.









