P20/KILO NA BIGAS, IBINENTA SA MGA MANGGAGAWA SA ILOCOS SUR

Nakabili ng tig-10 kilong bigas sa halagang P200 ang 20 minimum wage earners mula sa Vigan Fortune Lumber and Hardware sa ilalim ng programang “Benteng Bigas Meron na” (BBM) ngayong araw.
Layunin ng BBM, isa sa mga inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na magbigay ng P20/kilo na bigas sa mga nasa vulnerable sector.
Pinangunahan ng Department of Agriculture at Food Terminal Incorporated ang pamamahagi, katuwang ang DOLE, NFA, at iba pang ahensya.
Bukás ang mga opisina ng DA Regional Office I, FTI, at DOLE Ilocos Sur para sa mga employer na nais lumahok sa programa. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa DOLE hotline: 0927-194-7266. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments