P20/kilo ng bigas, mabibili na rin sa ilalim ng Walang Gutom Program ng DSWD

Bukod sa mga Kadiwa center, magsu-supply na rin ng P20/kilo ng bigas ang Department of Agriculture (DA) sa accredited retailers ng Walang Gutom Program.

Ang nasabing programa ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa gutom at malnutrisyon.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development o DSWD Sec. Rex Gatchalian na naibigay na nila sa DA ang listahan ng accredited retailers.

Ibig sabihin, makabibili rin ng murang bigas ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program.

Sa ilalim ng programa, may ipinamamahagi ang DSWD na P3,000 food vouchers sa household beneficiaries na maaaring ipalit sa pagkain mula sa mga accredited retailers tulad ng Kadiwa stores, agri coop, at iba pang Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs.

Ayon kay Gatchalian, dahil makakamura ang mga benepisyaryo sa bigas, madaragdagan ang kanilang mabibili sa P3,000 food vouchers.

Facebook Comments