Maglalaan ng P20-milyong pondo ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng lindol sa Northern Luzon.
Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople, inisyal na alokasyon pa lamang ito upang matulungan ang mga pamilya ng OFWs.
Inatasan na rin aniya ng kalihim ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para maghatid ng iba pang tulong.
Sa ngayon, hinihintay pa ng DMW ang damage assessment report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang matukoy ang mga rehiyon na pinakaapektado para maiprayoridad ito.
Facebook Comments