P20 Milyon, Tatanggapin ng 6 na Barangay sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Inaasahang makatatanggap ng tig-P20 milyon ang anim (6) na barangay sa lalawigan ng Cagayan sa ilalim ng Barangay Development Program End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command.

Ayon kay Major Israel Golorio, tagapagsalita ng Northern Luzon Command, kasama ang nasabing bilang ng barangay na napili sa Northern Luzon na tatanggap ng milyong pisong ayuda mula sa gobyerno.


Kinabibilangan ito ng mga barangay Annurturu, Liwan, Minanga ng bayan ng Rizal; barangay Apayao at Villa Reyno sa bayan ng Piat; at barangay Balani ng bayan ng Sto. Niño.

Kaugnay nito, ang milyong pisong pondo ay ilalaan sa pagpapatayo ng infrastructure projects tulad ng farm-to-market roads, classrooms, electrification projects, health centers, water system, communal irrigation at iba pang mga proyektong kailangan ng mga mamamayan sa komunidad.

Umaabot na sa higit 800 barangay sa buong bansa ang nabigyan ng tulong ng programa ng mawala ang presensya ng mga miyembro ng CPP-NPA sa kanilang mga lugar.

Bahagi ng programa ang tuluyan ng wakasan ang insurhensiya sa bansa partikular ang mga nangyayari sa mga liblib na komunidad.

Facebook Comments