
Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P20 sa kada kilo ng bigas para sa piling minimum wage earners.
Ito’y kasunod ng pagbibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng go signal para ilunsad ang programa sa susunod na buwan.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, 120,000 na minimum wage earner ang makikinabang sa programa batay sa listahan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Nilinaw naman ng DA na preparasyon lamang ito para sa mga maraming manggawa para makabili ng P20 na bigas hanggang sa mga susunod na taon.
Sa ngayon kasi tanging mga Senior Citizen, person with disability (PWD), Solo parent, at 4Ps member pa lamang ang nakaka-avail ng P20 na bigas.
Samantala, patuloy naman pinaplansta ng ahensya ang guidelines ng programa.









