
Mabibili na rin ang bente pesos na bigas sa 15 Kadiwa outlets sa buong Batangas.
Ang paglulunsad ng programa sa Batangas ay bahagi ng layunin ng Department of Agriculture (DA) na palawigin ang programa at maabot ang tinatayang 15 milyong pamilya mula sa mahihinang sektor sa pagtatapos ng 2026.
Ang 15 bagong bukas na Kadiwa ng Pangulo outlets ay istratehikong matatagpuan sa mga sumusunod na lugar: SIDC Main Office sa Sorosoro Ibaba, Purok 2 sa Mahabang Parang, Tinga Labac, Brgy, Petron sa kahabaan ng national road sa Batangas, Lipa City Proper, Barangay Balagtas, National Highway sa Brgy. Alangilan, Sitio Central sa Brgy. Sto. Niño, San Miguel,Conde Labac, Mahacot West, Brgy. Libjo, Pallocan West, San Mariano sa San Pascual at Manghinao Proper sa Bauan.
Ang mga Kadiwa sa SIDC outlets ay bukas sa publiko subalit prayoridad ang mga mahihinang grupo tulad ng 4Ps beneficiaries, solo parents, senior citizens, at mga may kapansanan para makabili ng P20 per kilo ng bigas.









