P20 na bigas, magiging sustainable sa 2026 kung maamyendahan ang Rice Tariffication Law —DA

Kailangan maamyendahan ang Rice Tariffication Law para maibalik sa National Food Authority (NFA) ang kapangyarihan nito na direktang bumili at magbenta ng bigas sa publiko.

Ito ang ipinaliwanag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel na para maisakatuparan ang plano ng pamahalaan na bumili ng palay ng mga lokal na magsasaka at ibenta ang bahagi nito sa halagang P20 kada kilo bilang bahagi ng rice subsidy program sa 2026.

Sa kasalukuyan kasi, limitado lamang sa buffer stocking ang papel ng NFA.

Target ng pamahalaan na makapagbenta ng murang bigas sa 15 milyong pamilyang Pilipino o katumbas ng humigit-kumulang 60 milyong katao na kabilang sa low at middle-income households.

Sa unang rollout ng programa, 10 kilo kada buwan ang limit ng bawat pamilyang mabibigyan ng P20/kilo rice, pero madadagdagan daw ito kapag naayos ang logistical problem.

Nasa 18 billion pesos ang nakalaang pondo ng gobyerno para rito sa 2026.

Facebook Comments