
Makabibili na ang mga residenteng labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo sa Masbate at Eastern Visayas ng P20 na kada kilo ng bigas.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr, tatagal ng isang buwan ang pagbebenta ng DA ng murang bigas sa mga residenteng naapektuhan ng mga Bagyong Opong maging ng habagat.
Puwedeng bumili ang mga residente ng hanggang 30 kilo ng bigas sa DA.
Paraan aniya ito para makatulong sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng Bagyong Opong.
Samantala, magpapatupad na rin ang DA ng price freeze sa mga agricultural products.
Maliban pa ito sa price freeze sa mga produktong pang-agrikultura na itinakda ng Department of Trade and Industry (DTI).
Facebook Comments









