P20 na kada kilo ng bigas, ibinibenta sa Kadiwa stores sa Albay

 

Ibinibenta sa Kadiwa ng Pangulo sa Albay ang P20 kada kilo ng bigas.

Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), ang bente pesos na bigas ay naibenta sa mga residente nang inilunsad ang Kadiwa outlets sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO) sa Ligao City.

Kabilang sa mga tumanggap ng P20 kada kilo ng bigas ay ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, elderlies, at persons with special needs.


Habang nakabili naman ng bigas ang mga regular na mamimili sa halagang P35 kada kilo.

Bukod sa abot-kayang mga produktong bigas, iba’t ibang prutas at gulay, at ilang delicacies ang ibinebenta rin sa “Kadiwa ng Pangulo” sa Albay sa abot-kayang presyo.

Facebook Comments