Kasado na ang taas presyo sa bentahan ng karneng baboy sa Luna, La Union matapos ang aprubahan ang mungkahi ng samahan ng mga Public Meat Vendors ngayong Marso.
Sa aprubadong price ceiling mula sa lokal na pamahalaan, tataas ng P20 ang singil sa kada kilo ng iba’t-ibang parte ng baboy tulad ng lamang-loob, buto-buto, ribs at liempo o pork chop. Mula sa dating price range na P270 hanggang P320, nasa P340 hanggang P390 na ang presyuhan nito ngayon.
Dahilan umano ito sa mataas na kasalukuyang presyo ng live weight ng baboy sa lalawigan na inaarayan ng mga meat vendors.
Samantala, suhestyon naman ng ilang residente ang pagpapatupad ng price ceiling sa iba pang produktong karne sa bayan upang mayroon umanong basehan ang mga mamimili. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments