P20, PAGTAAS SA PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MANGALDAN

Tumaas sa 20 pesos ang presyo ng karneng baboy sa pamilihang bayan ng Mangaldan.

Umaabot na sa 340 pesos kada kilo mula sa dating 320 pesos na kada kilo ng baboy. Ang nasabing pagtaas ay bunsod ng pagtaas ng demand habang papalapit ang Pasko at limitadong suplay mula sa mga hog raisers.

Inaasahan na hindi na tataas ang presyo nito hanggang sa matapos ang taon.

Samantala, tiniyak ng mga awtoridad sa Mangaldan na mahigpit nilang binabantayan ang kalidad ng mga karne sa pamilihan upang masigurong ligtas sa anomang sakit ang ibinebentang karne. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments