
Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel ang paglulunsad ng P20 rice program sa Kadiwa ng Pangulo sa Bureau of Animal Industry (BAI) Compound sa Visayas Ave., Quezon City.
Kasunod na rin ito ng paglulunsad ng benteng bigas sa mga magsasaka, mangingisda, minimum wage workers.
Makikinabang dito ang nasa 57,000 na mga tsuper at manggagawa sa transportasyon.
Ang lugar ay isa sa limang itinalagang distribution center kung saan magiging sabayan ang paglulunsad.
Kasama rito ang Navotas, Angeles, Pampanga, Cebu at Tagum.
Facebook Comments









