P200 billion, hindi naipalabas mula sa 2021 national budget

Inihayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na umaabot sa 200 billion pesos ang hindi nailabas mula sa pambansang budget ngayong taon.

Ayon kay Recto, parang walang sense of urgency ang gobyerno sa paggamit ng available na pondo na kailangan ngayong may COVID-19 pandemic.

Bago ang pahayag ni Recto ay naunang isiniwalat ni Lacson na tila dalawang malalakas na sampal ang tumama sa mga Pinoy at ito ay ang pandemya at ang underspending o hindi paggamit sa pondong available.


Diin ni Lacson, mayroong mahigit na P63 bilyong hindi ginamit na pondo sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Paliwanag ni Lacson, kasama dito ang P46.397 bilyon na “undisbursed” o hindi nagastos at P17.23 bilyong “unobligated,” o naibigay sa mga ahensya pero hindi rin nagastos dahil hindi pa nagkaroon ng kontrata.

Facebook Comments