P200 bilyon, ilalaan sa Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms na napagkasunduan sa peace talk

Manila, Philippines – Aabotsa halos dalawang daang bilyong piso ang ilalaan ng pamahalaan para umusad ang ComprehensiveAgreement on Socio-Economic Reforms o CASER.
 
Sa pitong pahinang jointstatement, sinabi ng magkabilang panig na ang nasabing kasunduan at ang interimjoint ceasefire agreement ang dalawa sa pinakamalalaking achievements ng fourthround ng peace talks sa Netherlands.
 
Ayon kay ambassador ElisabethSlatum, Royal Norwegian Government Third Party Facilitator, target ng kasunduanna mabigyan ng libreng lupa ang nasa tatlo hanggang limang daang libongmagsasaka.
 
Karamihan sa mga lupa ayprivate at public land na saklaw ng agrarian reform law.
 
Magmumula aniya anglistahan ng mga magsasakang mabibigyan ng lupa sa Department of AgrarianReform.
 
Bahagi rin ng pondopagkukunan sa CASER ay ang government sequested marcos asset na aabot sa50-bilyong piso.
 
Sinabi naman ni PresidentialAdviser on the Peace Process Sec. Jesus Dureza, isasabay ng pag-apruba ng CASERang joint interim ceasefire.
 
Aniya, hangga’t hindimalinaw ang ground rules sa critical areas ay hindi maiiwasan ang armedencounter ng magkabilang panig.
 
Kinumpirma naman ni CommunistParty of the Philippine Founding Chairman Jose Maria Sison na hiwalay sa CASERang pagpapatupad ng peace and development trust fund sa conflict areas bilangtugon sa problema sa revolutionary tax.
 
 

Facebook Comments