P200 buwanang ayuda, target maipamahagi simula ngayong buwan

Simula ngayong buwan ay posibleng matanggap na ang P200 buwanang subsidiya ng gobyerno para sa mahihirap na pamilyang apektado ng pagmahal ng presyo ng langis at bilihin.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, kabilang sa mga benepisyaryo nito ang nasa 12 milyong indibidwal na tumatanggap na rin ng subsidiya sa gobyerno sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Aniya, tatagal ng isang taon ang monthly subsidiy na ibibigay bilang “unconditional” cash transfer.


Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P200 buwanang ayuda sa mahihirap na pilipinong apektado ng mga oil price hike.

Ito ay bilang alternatibo sa mga panawagang suspendihin muna ang fuel excise tax.

Aminado naman si Finance Secretary Carlos Domiguez na hindi sapat ang ayuda pero sa ngayon, ito pa lamang ang kayang ibigay ng pamahalaan.

Facebook Comments